Saturday, October 6, 2012

Operada


Repost from my old notes on my Facebook Account :))

Hindi nyo naman to kailangan talaga basahin, kasi mahaba talaga. As in. 
Kailangan ko lang talagang isulat. 

Kung talagang tamad, PAKIUSAP BASAHIN YUNG NAKA-BOLD SA BABA. 


6:30 AM. June 15 2011 . Wednesday.

Pasikat na yung araw, naririnig ko na nga yung sumisigaw na yung alarm ko.
Kahit ayaw ko pa, bumangon na ako.
Papasok na naman sa school, at katulad ng halos lahat ng estudyante, tinatamad ako. O.o
Dapat pala hindi na ako umalis ng bahay.


Ayun, wala namang choice e. Ginawa ko yung nakasanayan kong morning routine.
Kumain, naligo, nagayos at bandang mga 7:20, tapos na ako.
Kaso naisip ko, ang aga pa, mga 7:30 na ako alis.
At ayun nga, ang swerte ko, ubod ng trapik. 
30 minutes yata ako sa traffic sa crossing Calamba.
Leche.

Kabadong kabado na ako sa jeep, Magaalas otso na, nasa Halag palang ako.
Eh 8:30 yung klase ko, Deds. 

Naiiyak na ako sa jeep, kasi late na talaga ako, major ko pa naman yun, Parasitology.
Tnry ko dumaan dun sa room, umaasa ako, late din yung teaces kaso bigo ako.
Sa sobrang hiya ko, at dahil 20 minutes na ako late para sa isang 1 hour class at ang pinto lang sa room ay sa unahan.
Hindi na ako pumasok sa hiya. (Tama, may hiya ako. hehe)

Nagantay na lang ako sa Wing C para sa mga kasama at mga kaklase, 11:30 pa kasi ang sunod kong klase,
9 pa lang. SWERTE.

Dumating in yung mga kaibigan ko, at ayun nagkwentuhan at nagingay na naman kami.
Kumain pa nga ako nun ng sopas at ham and egg sandwich. (Gutom e)

Tapos nung malapit na mag11:30, umalis na kami Erikah para pumunta sa klase ng PI sa CEAT.
ANG LAYO! Pero nagjeep naman kami.

Ala-una, may klase ako sa NCAS, eh nasa CEAT pa ako.
Todo madali ako sa pagalis ng CEAT at wag ma-late sa 113 Lab.

Pagkatapos ko magjeep, kalbaryo naman ng paglalakad.
Sa 4th floor pa kasi kami. SWERTE ULIT.

Pagdating ko sa klase, hingal kabayo na yata ako. Haha.
Ikaw kaya magmula sa CEAT papuntang 4th floor ng NCAS! 

Ang gulo gulo ko pa sa klase, as usual.
Tawa ako ng tawa at daldal ng daldal.
Maayos naman ako, kaso. . . 


Mga bandang alas dos ng yata ng hapon, naghahanap kami ng partner ko si Chelsea ng Lecheng
Hatschek's pit, nahihilo na ako. Akala ko gawa lang ng kakamicroscope ko.
Tapos nung tumagal sumasakit na yung tyan ko.

At syempre, akala ko, nasusuka lang ako o kaya napoopoopoo.
Tiniis ko muna.

Magaalas kwatro na, nagrereklamo na ko kay Chelsea na hindi ko na talaga kaya.
Kay pinilit ko tapusin yung mga drawing kahit Chaka na yung itsura. HAHA

Nagpasa na ako, sabi ko sa teacher ko, sa sama na nung pakiramdam ko, hindi ko na 
inantay yung sagot ng teacher at nagmadali na ako pababa.

Nagpunta ako kat RJ, tapos dun, umiyak na talaga ako.
Kasi hindi ko na kaya. Hindi na nga ako makatay e. 
Namimilipit na ako sa sakit.

Tinry ko magpoopoo, WALEY.
Pinilit ko sumuka, meron konti kaso wala naman ngyari.

Kaya ayun dinala na ako sa infirmary. Feeling ko pag nakarating ako dun, mamagic-in nila ako
para mawala yung sakit. Pero hindi.

Pinahiga ako, tapos ewan. Parang walang nangyayari.
Nilagyan ako ng warm compress sa tyan. (Wala naman effect)
Tapos binigyan ng interview. (OHA OHA)

Tapos ayun sumuka ako ng sumuka.
Feeling ko, tinutusok yung tyan ko ng malaking tinidor parang yung sa tatay ni Little Mermaid. 
Sobrang sakit, Tapos parang wala namang pakialam yung mga tao dun.
Parang joke. Kainis. Gusto ko sila batuhin nung warm compress nila.

Tapos tinurukan ako at kung ano ano pa. Lahat naman parang hindi nakakatulong.
Tapos ayun, nilagyan ako ng swero at inakyat sa taas. 
Pinatulog ako gamit ang isang turok, shit Heaven.
Di ko naramdaman yung sakit at tulog lang ako ang saya.
(Creepy nung room, parang haunted) 


Dumaan ang gabi, nung nagising ako, nawala yung heaven ang sakit ulit.
Parang kinakatay yung tyan ko e. Shemay.
Overnight ako sumuka ng sumuka. (Ang saya no? Kainis)

Nung umaga, Thursday, dahil sobrang ganda ng infirmary, ipinalipat na ako ng nanay ko sa CDH.
Para mas malapit sa min.

Gaya ng dati, pamatay pa rin yung sakit nung tyan ko.
Pero lumipat na sya, ang gala.
Masakit na yung right side ko. 

In-ultra sound ako, at ang sakit naman non :(((((
O baka dahil sa sakit lang ng tyan ko. 

Tapos ayun. BOOM
Appendicitis.


Nung narinig ko, parang gusto ko na tumakbo paqlabas dun sa ospital kasi alam ko yung kakahantungan nung sitwasyon.
Ooperahan ako.


At tama nga yung hula ko. JACKPOT.

Thursday ng hapon, oooperahan na daw ako. Parang matatanggal na yung puso ko sa kaba dahil dun.
Takot ako sa opera T__________________T

ANG SAKIT KAYA NON. HUHU


Wala naman akong magagawa e. 

Tapos ayan na, Dumating na silaaaaaaaaa.
Feeling ko bibitayin na ako.

Unang dumating si Ateng nurse, wala pa syang inasabi, umiiyak na ako.
Umiiyak sa takot. Tapos tinurukan nya ako ng pampakalma.
At nakatulog ako.

Tapos maya mya, dumating na sila kuya, nilagay nila ako sa stretcher. HUHU

ETO NA YUN. BIBITAYIN NA AKO.

Dinala ako sa OR. /WRIST
Mga 3:30 kinakausap ako nung Anesthesiologist. 
Tuturukan daw ako sa likod. Iyak lang ako ng iyak parang timang dun sa OR.
Nakit ako pa nga yung machine na may lifeline ko, at manghang mangha naman ako. Hahaha

Tapos nakatulog ulit ako. 

Nagising ako ng 4:30, sabi ko ang tagal naman. Isang oras na. 
Tapos, inaalis na ako sa Kwarto, akala ko game na.

Tapos sabi sakin, tapos na pala. 
Tungaw. HAHA

Wala akong pakiramdam, pero nung tumagal, naramdaman ko na ulit yung sakit.

AT AYUN, PAG KINWENTO KO PA YUNG NAKAKMATAY NA SAKIT NA NARAMDAMAN KO, Baka wal ng magbasa nito. HAHA
Kaya hanggang dito na lang. K?

Oo nga pala, eto si Appendix, pinatay nya lang naman ako sa sakit ng 1 linggo.

Thank you ha. 


So, Game.
Kaya talaag ako nagsulat nito kasi...

Gusto ko magpasalamat. Salamat sa lahta ng nagpunta, nagtext (Sorry hindi ako makareply ha), nagalala at nangamusta.
Sobrang thank you. Nakakataba ng puso, pag nakikita ko na may mga dumadalaw sa kin.
Sobrang salaamat talaga! Hindi ko alam kung pano ako talaga magpapasalamat e.
Basta sobrang napasaya nyo ako. :))
Love you guys. Sobra. 

Pot! Thank you kasi masugid kitang tagadalaw! :)

Lalo na sa yo, RJ. Thank you. :) 
  
PS: Manggugulo pa ako this coming days ha. Uugod ugo kasi ako maglakad ngayon.
Tulungan nyo ako ha. Natatakot ako baka magtaob na lang ako sa daan e. HAHAHAHAHA!
At bawal muna ako maglikot(AWWWWWW). In short, mahinhin muna ako. HAHA

Salamat guys.
Sobrang love ko kayo.


No comments:

Post a Comment